-- Advertisements --

Magkakaroon lamang ng ilang aktibidad ang paggunita sa ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power.

Ilang mga misa ang gaganapin sa EDSA Shrine o kilala bilang National Shrine of Mary, Queen of Peace mula alas-7 ng umaga, 10 am. , 12:15 pm, 4pm. at ala-6 ng gabi.

Ang misa sa alas-10 ay dadaluhan ng mga opisyal ng Commission on Human Rights habang ang alas-6 ng gabi ay pangungunahan ni Bishop Broderick Pabillo ang vicar ng Taytay sa Palawan.

Sinabi Father Jerome Secillano, ang rector ng EDSA Shrine, na simbahan ay may malaking papel para mapayapang pagkakaisa na pinangunahan noon ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Hindi na rin ito nagbigay ng ibang mga detalye sa mga magaganap na pagtitipon sa People Power Monument sa EDSA at sa White Plains Avenue sa Quezon City.