-- Advertisements --
image 303

Ginunita ngayong araw ang ika-124 anibersaryo ng pagpapasinaya sa unang republikang Pilipino sa historic na simbahan ng Barasoain sa lungsod ng Malolos, Bulacan.

Nagsilbing panauhin dito ang ilang opisyal ng Kongreso.

Nagbigay din ng mensahe sina Malolos Mayor Christian Natividad at Gov. Daniel Fernando ng Bulacan.

Ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ay kinatawan ni Carminda Arevalo.

Matatandaang ang republikang pinasinayaan sa Barasoain nasa 124 taon na ang nakararaan ay ang una sa Asya na mayroong Saligang Batas na sinulat ng mga halal na kinatawan ng mga mamamayan.

Ang tema sa pagdiriwang ngayong taon ay “Unang Republikang Pilipino, Gabay Tungo sa Napapanahong Pagbabago.”
Sa bisa ng Batas ng Republika Blg. 11014 (5 Abril 2018), ang petsang 23 Enero ay ipinahayag bilang Araw ng Unang Republika Pilipino na isang espesyal na pista opisyal ngunit may regular na pasok ng trabaho sa buong bansa.