May iba’t-ibang aktibidad ang nakahanay ngayong araw para sa pag-alala sa ika-10 taon mula nang manalasa ang Bagyong Ondoy na nagpabaha sa halos buong Metro Manila at mga karatig na lugar.
Sa Marikina City, ilang awareness campaign ang gagawin lalo’t sila ang isa sa napuruhan ng nasabing kalamidad noong 2009.
Si “Ondoy” na may international name na Ketsana ay nagdulot ng mahigit P50 billion na pinsala sa ari-arian, habang 710 naman ang binawian ng buhay kung saan karamihan ay dahil sa pagkalunod.
Maging ang ilang artista ay hindi rin nakaligtas sa pangyayari tulad ni Cristine Reyes na nagpasaklolo matapos malubog sa baha ang kanilang bahay.
Naging trending din sa internet ang ilang tagpo sa Marikina River kung saan may mga taong tinatangay ng malakas na agos ng tubig.