-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan ng Russia sa mga biktima ng pag-atake sa isang concert hall sa Krasnogorsk.

Ayon kay Bombo International Correspondent Danilo Casallo na ipinagpapasalamat nila na walang mga Pilipinong nadamay sa pamamaril ng ilang mga armadong kalalakihan na kumitil sa buhay ng maraming indibidwal.

Nabatid na malapit lamang umano ang kaniyang kinaroroonan sa naturang concert hall kaya agad na nakipag-ugnayan sa mga kapwa Overseas Filipino Workers upang alamin ang sitwasyon ng mga ito.

Hindi naman umano nagpapabaya ang embahada ng Pilipinas sa Russia sa pagsiguro ng kapakanan ng mga Pilipino sa naturang bansa.

Sa kabila nito ay sinabi ni Casallo na maraming mga aktibidad ng Filipino community ang kinansela upang masiguro ang kanilang seguridad.

Pinag-iingat kasi sa ngayon ang mamamayan sa pagtungo sa mga pampublikong lugar na karaniwang tina-target ng masasamang loob.

Samantala, kinukumpirma na rin ang ulat na isa sa mga suspek ang nadakip na ng mga kinauukulan.