Inilatag ng mga kaanak ni namayapang si Senador Benigno “Ninoy” Aquino ang ilang programa sa paggunita ng ika-41 taon ng Ninoy Aquino Day.
Sinabi ni dating Senador Bam Aquino ang pamangkin ng dating senador na kahit inilipat ng adminstrasyong Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang obserbasyon nito sa araw ng Biyernes ay may mga programa pa rin silang gagawin.
Karamihang mga programa ay isasagawa sa Concepcion Tarlac ang lugar kung saan nanirahan ang dating senador.
Ilan sa mga programa na isasagawa ngayon ay ang Misa na gaganapin ng ala-7:30 ng umaga sa Santuario de la Immaculada Concepcion.
Matapos nito ay isasagawa ang wreath laying ceremony sa Municipal Hall Grounds ng Concepcion, Tarlac.
Dakong alas-10:30 naman ng umaga ay isasagawa ang film viewing sa town plaza na susundan ng pagbisita sa Aquino Ancestral House.
Gaganapin naman sa hapon ang film viewing at temporary Exhibit viewing sa Aquino Museum and Event Center sa lungsod ng Tarlac.