KORONADAL CITY – Ipinagpaliban ng lokal na pamahalaan ng Tulunan ang kanilang nakatakdang mga aktibidad para sana sa kanilang 58th foundation anniversary ngayong araw.
Ito’y matapos nagre-issue si Tulunan Mayor Reuel Limbungan ng executive order na nagsasabing kanselahin ang ilang aktibidad upang magamit ang pondo para sa pangangailangan ng mga residenteng apektado ng lindol.
Ngunit ipinaliwanag sa Bombo Radyo Koronadal ni Abraham Contayoso, secretary ni Mayor Limbungan na magsasagawa sila ng community program kung saan inaasahang dadaluhan ito ng mga evacuees at volunteers na nagsasagawa ng stress debriefing.
Nabatid na kagabi, nag-enjoy ang mga mamamayan at nabawasan ang kanilang lungkot sa live band performance sa field.
Ito ay bilang isa umanong paraan ng kanilang pasasalamat na buhay pa sila at sa tulong na rin na kanilang natanggap sa kabila ng kalamidad na dala ng mga pagyanig.