CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng Provincial Tourism Office ng Nueva Vizcaya ang paglalatag ng mga aktibidad para sa selebrasyon ng Arts Month.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Nueva Vizcaya Provincial Tourism Officer Marichelle Costales, na alinsunod sa provincial ordinance bilang selebrasyon ng Arts Month ay inilatag ang ibat ibang paligsahan tulad ng Mural Painting Contest, Art Attack, Recycled Design Contests, spoken word poetry at pagkilala sa mga natatanging artist sa lalawigan.
Ayon kay Nueva Vizcaya Provincial Tourism Officer Marichelle Costales, limitado pa rin ang partisipasyon ng mga tao sa kanilang mga aktibidad dahil sa epekto ng pandemya bagamat naisasagawa naman ito ng maayos sa pamamagitan ng Virtual Medium.
Buhay pa rin naman aniya ang sining at kultura ang Lalawigan na makikita naman sa mga Local Products sa kanilang lugar pangunahin na ang mga walis tambo, basket at iba pa na gawa sa kamay.
Umaasa ang Nueva Vizcaya Provincial Tourism Office na mapapalago pa ang pagmamahal ng mga residente sa Sining at nang malinang pa ang kanilang talento.