-- Advertisements --
Itinanggi ng ilang mga alkalde sa Metro Manila na may kinalaman sila sa iligal na bentahan ng COVID-19 vaccination slot.
Sinabi ni Mandaluyong Mayor Menchie Abalos na imposible na maibebenta ng mga vaccination slot dahil ipinapatupad nila ang registration system.
Kailangan aniya na magpa-appointment muna bago tuluyang maturukan ng bakuna.
Tiniyak din ni San Juan Mayor Francis Zamora na walang bentahan ng vaccine slot sa kanilang nasasakupang lungsod.
Kumpiyansa naman si Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na siya ring chairman ng Metro Manila Council sa isinasagawang imbestigasyon na ng NBI sa nasabing usapin.
Nauna ng nakilala na ng PNP ang mga nasa likod ng bentahan ng vaccination slot noong ito ay kumalat sa social media.