Mababa umano ang expectations ng ilang mga analyst hinggil sa nakatakdang virtual summit sa pagitan nina US Pres. Joe Biden at Chinese President Xi Jinping.
Kapwa layunin ng dalawang bansa na maayos ang ugnayan ng US at China
Pangunahing agenda na tatalakayin ang usapin hinggil sa Taiwan.
Nais ni Biden na mangako si Xi na panatilihin ang kapayapaan sa Taiwan Strait kasunod ng hayagang pagpapakita ng Beijing na paigtingin pa ang military pressure sa isla.
Kapalit naman nito, tiniyak ni Biden na hindi ito makikialam pagdating sa sovereignty ng Taiwan.
Ang naturang pagpupulong din ay ang pagkakataon para kay Biden para makumbinsi si Pres. Xi na ang China strategy ng US administration ay maging stable framework para sa bilateral relationship.
Maalaala noong nakalipas na linggo, nangako si Biden na didepensahan nito ang Taiwan sakaling atakehin ito ng China.
Ilan pa sa mga pag-uusapan ng dalawang lider ang hinggil sa cybersecurity, trade and nuclear non-proliferation.