CAGAYAN DE ORO CITY – Puspusan ang pagsisikap ng Department of Tourism (DoT) na magkaroon ng mga kasagutan ang kinaharap na nationwide development challenges ng bansa.
Patungkol ito sa hinangad ng pamahalaan na mabigyang solusyon ang tukoy na priority areas of development upang makuha ang impresibong kalagayan ng pambasang turismo.
Pag-amin ni DoT Secretary Maria Esperanza Christina Frasco na kailangang masagot ang mga hamon sa likod ng aspetong infrastracture,connectivity,digita-lization at pagpatibay ng tourism governance para makuha ang inaasam na pangunguna sa larangan ng turismo ng Pilipinas sa rehiyon ng Asya.
Sinabi ng kalihim na kaya suportado ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nasa national tourism development plan nila ay dahil tukoy ng ahensiya kung saan ang dapat pagtu-unan ng pagpapahalaga.
Aniya,kailangang magkaisa ang national at local government units upang walang maiiwan pagdating sa usaping turismo.
Ito ang dahilan na inilunsad ng ahensiya ang pangalawang taon na Mindanao Travel Expo sa Cagayan de Oro City na mismo dinaluhan ni Frasco at ibang DoT senior officials noong nakaraang linggo.