-- Advertisements --

NAGA CITY – Na-recover ng mga otoridad ang ilang mga kalibre ng baril sa 45-anyos na lasing at nagwawalang lalaki sa Brgy. Duran, Balatan, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Dennis Flordeliz, 45, residente ng Barangay Causip, Bula, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) napag-alaman na una na umanong tinakot ng suspek ang kanyang 16-anyos na anak sa pamamagitan ng pagtapon ng mga armas dito.

Resulta upang magtamo ng takot ang nasabing menor de edad.

Kaugnay nito agad namang nakaresponde ang mga otoridad kung saan agad namang naaresto ang tumatakas na sanang suspek.

Base sa isinagawang body searched, na-recover dito ang dalawang units ng caliber .38 revolver na mayroong anim na ammunitions at caliber .38 revolver na mayroong apat na ammunitions .

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.