-- Advertisements --

Hinikayat ni dating Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit ang national sports federation na maglatag ng plano para matulungan ang mga atleta na magsanay ngayong panahon ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi nito na mahalaga ang patuloy na pagsasanay ng mga atleta bilang paghahanda sa 2021 Tokyo Olympics.

Malaki kasi ang epekto ng quarantine sa mental at physical kondisyon ng mga atleta.

Dagdag pa ng pangulo ng Fencing Conferation of Asia na ang ibang mga bansa ay may mga special arrangement para matulungan ang mga atleta na ipagpatuloy ang kanilang pagsasanay.

Ilan sa mga rekomendasyon nito ay ang pagpayag sa individual training ng mga atleta na may ipinapatupad na protocols sa proper hygiene at walang body contact.

Mamili ng mga deserving national atlethes at coaches na sumailalim sa special training at physical conditions sa mga piling araw.

Nauna rito inilabas ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang miyembro ng IATF ang mga otorisadog sports gaya ng cycling at golf dahil ang nasabing mga sports ay sumusunod sa physical distancing protocols.