Kinumpirma ng Presidential Communications Office o PCO na nanumpa na ang mga bagong opisyal na bubuo sa mga pamunuan ng National Amnesty Commission (NAC) at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay PCO Sec. Cheloy Garafil, nanumpa na bilang chairperson ng NAC si Atty. Leah T. Armamento, kasama ang mga commission members na sina Atty. Jamar M. Kulayan at Atty. Nasser A. Marohomsalic.
Maging si Lope B. Santos II ay nanumpa na bilang lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).
Matapos ang kanilang oathtaking ceremony, opisyal na ring umupo bilang chairperson ng Marawi Compensation Board (MCB) si Maisara Dandamun-Latiph, gayundin ang mga miyembro ng board na sina Romaisa L. Mamutuk, Dr. Jamaica L. Dimaporo, Sittie Aliyyah L. Adiong, Mustapha C. Dimaampao, Dalomabi Lao Bula, Mabandes Sumndad Diron Jr., Nasser M. Tabao at Atty. Mosmelem Macarambon Sr.
Samantala, nanumpa na rin sa harap ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong miyembro ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) na kinabibilangan nina David B. Diciano, Presidential Assistant I; Arnulfo R. Pajarillo, Presidential Assistant I; Isidro L. Purisima, Presidential Assistant I; Andres S. Aguinaldo Jr., Executive Director IV; Susana Guadalupe H. Marcaida, Executive Director IV; Wilben M. Mayor, Executive Director IV; at Cesar D. De Mesa, Executive Director IV.
-- Advertisements --