-- Advertisements --

Makararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ang sa susunod na 24 oras dahil sa pinagsamang epekto ng low pressure area at shear line.

Ayon sa Bombo weather center, Ang Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes ay makararanas ng 50 hanggang 100 millimeters ng pag-ulan, habang ang Caraga ay makararanas ng 100 hanggang 200 millimeters na pag-ulan mula Sabado hanggang Linggo.

Mula Linggo hanggang Lunes, ang Apayao, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Bicol Region, Central Visayas, at Eastern Visayas ay makararanas naman ng 50 hanggang 100 millimeters ng pag-ulan, habang ang Northern Mindanao at Caraga ay magkakaroon ng 100 hanggang 200 millimeters na pag-ulan.

Ang Palawan ay tinatayang magkakaroon ng 50 hanggang 100 millimeters ng ulan mula Lunes hanggang Martes.

Maaaring mangyari ang pagbaha at pagguho ng lupa na dulot ng ulan bilang resulta ng weather conditions na ito.