-- Advertisements --
Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Batangas at National Capital Region (NCR), nitong Lunes ng hapon.
Una naitala ng Phivolcs ang 5.3 magnitude na record.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, naramdaman ito kaninang alas-5:12 ng hapon.
Ang epicenter ay sa layong 24 km sa timog kanluran ng Calatagan, Batangas.
May lalim itong 99 kilometro at dulot ng paggalaw ng tectonic plates sa ilalim ng lupa.
Wala namang naitalang pinsala, ngunit aasahan pa rin ang ilang aftershocks.
Intensity III – Quezon City, Manila, Makati at iba pang parte ng Metro Manila
Intensity II – San Felipe, Zambales