-- Advertisements --

Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Cagayan Valley ngayong araw.

Ayon sa Phivolcs, naitala ito kaninang alas-8:05 ng umaga.

May lalim na 12 km at tectonic ang panagmulan.

Ang epicenter ay namataan sa layong 7 km sa timog kanluran ng Tuao, Cagayan.

Nai-record naman ang Intensity III sa Pinukpuk, Kalinga.

Sa pagtaya ng mga eksperto, maaari pang masundan ang lindol ngunit mahina na lamang ito.