-- Advertisements --
ILOILO CITY -Naalarma ang mga residenteng naninirahan sa may baybayin ng Barangay Poblacion, Carles, Iloilo nang makita nila na nagkulay pula ang tubig-dagat sa kanilang lugar.
Nagmistulang kulay dugo ang bahagi ng dagat, at ang kulay ay hindi pa rin nawawala hanggang sa ngayon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Carles, Iloilo Mayor Seigfredo Betita, sinabi nito na susuriin ngayong araw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang dagat sa kanilang lugar.
Nagbabala rin ang alkalde sa mga residente na iwasan muna ang pagligo sa dagat at ang pangingisda.