-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nanawagan ngayon ang ahensiya ng Environmental Management Bureau-11 sa may mga respiratory problem na kailangan mag-ingat ito lalo na at nakakaranas ngayon ang lungsod ng Davao ng haze dahil sa nangyaring forest fire sa Indonesia.

Sinabi naman ng ahensiya na sa kasalukuyan, walang dapat ikabahala dahil nasa normal pa umano ang level ng hangin o good to fair condition kahit na may haze na galing umano sa Sumatra at Kalimantan sa bansang Indonesia.

Posible rin umanong lumala ang nararanasan na haze lalo na at hinihila umano ito ng low pressure area at habagat.

Kung maaalala nagmistulang nasa ulap ang isang paaralan sa Calinan sa lungsod dahil sa usok.