-- Advertisements --

DAVAO CITY – Apektado nang malawakang pagbaha ang mga karatig bayan ng Davao region matapos na inulan ng magdamag na kung saan daan-daang mga residente ang inilikas.

Dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan, iilang lugar sa probinsya ng Davao De Oro, Davao Oriental, Davao Del Norte, Davao Occidental at maging dito sa lungsod ng Davao ang nakaranas ng mga pagtaas sa lebel ng tubig baha na umabot pa ito sa critical level.

Agad namang ipinatupad ang pre-emptive evacuation sa dalawang Baranggay sa Mawab, Davao de Oro matapos na umapaw ang tubig sa ilog na dumadaloy sa mga kabahayan.

Sa Monkayo Davao De Oro naman, nakaranas din ng mga pagbaha.

At pati na rin ang Sta. Maria, sa Davao Occidental di rin nakaligtas sa pagbaha.

Sa Nabunturan Davao De Oro, nakaranas din ng mga minor landslides sa iilang kalsada na agad namang nagpatupad ng road clearing operation.

Sa lalawigan ng Davao Oriental, labis na naapektuhan ng pagbaha ang bayan ng Caraga, Cateel at Boston na nagresulta sa paglipat ng mga apektadong residente sa evacuation area.

Gumuho naman ang tulay sa Brgy. San Pedro matapos na umapaw ang tubig baha sa ilog.

Dahil sa mga naranasang pag-ulan, nagkansela na rin ngayong araw ng klase ang lahat ng antas,dito sa lungsod ng Davao, Davao Del Norte, at walong bayan ng Davao De Oro.

Sa ngayon patuloy pang kinokolekta ng OCD ang datos kung ilang baranggay ang apektado sa malawakang pagbaha.

Una ng nakaapekto sa buong rehiyon ang shearline na nagpaulan mula pa kahapon hanggang magdamag.

Ilang bahagi ng Davao Region, binaha!
Unread post by bombodavao » Tue Jan 16, 2024 11:10 am