-- Advertisements --

Lubog sa baha ang malaking bahagi ng Jipadpad, Eastern Samar bunsod ng walang patid na buhos ng malakas na ulan.

Hatid umano ito ng umiiral na Shear Line sa Eastern Visayas at iba pang bahagi ng ating bansa.

Tinatayang nasa isang metro o higit pa ang lalim ng tubig sa ilang lugar.

Kaya naman nagsilikas na ang maraming residente sa mas mataas at ligtas na lugar sa kanilang lalawigan.

Bago ito, naglabas ng red rainfall warning ang state weather bureau dahil sa namataang makapal na kaulapan sa ilang parte ng Eastern Visayas.

Posibleng magpatuloy pa ang mga pagbaha hanggang sa mga susunod na araw.