-- Advertisements --

Binaha ang ilang parte ng Famy, Laguna ngayong araw dahil sa malakas at tuloy-tuloy na buhos ng ulan.

Ayon sa Famy Disaster Operations Center, kaninang hapon ay hindi na kayang daanan ng mga light vehicles ang Bgy. Batuhan at Bulihan, patihi.

Payo ni Mayor Lorenzo Rellosa na maging alerto kahit nagdiriwang ng Pasko, para na rin sa ating sarili at pamilya.

Kung kinakailangan umano ng paglikas ay gawin ito habang hindi pa gaanong mataas ang level ng tubig-baha.

Kanina itinaas ng DOST ang Yellow Rainfall Warning dahil sa inaasahang pagpapatuloy pang mga pag-ulan.

Kabilang sa mga inalerto ay ang Tahiris Road na unpassable sa mga light vehicles.

Maging ang mga taga-Poblacion ay nanganganib din sa pagtaas ng level ng tubig, kaya inaalerto ang lahat para sa posibleng pag-evacuate.

Hanggang sa San Pedro, Laguna ay baha rin sa ilang kalsada, dahil isa ito sa mababang bahagi ng lalawigan.