-- Advertisements --

Niyanig ng 5.9 magnitude na lindol ang ilang parte ng Eastern Visayas, partikular na ang lalawigan ng Leyte.

Naramdaman ito kaninang alas-7:39 ng umaga.

May lalim itong 10 km at tectonic ang pinagmulan.

Natukoy ang epicenter sa layong 7 km timog silangan ng San Francisco, Southern Leyte.

Instrumental Intensities:
Intensity V – Padre Burgos, Southern Leyte
Intensity IV – Hinunangan at Maasin, Southern Leyte
Intensity III – Palo, Dulag, Ormoc City, and Carigara, Leyte