-- Advertisements --

Inanunsiyo ng gobyerno ng Malaysia na magpapatupad sila ng partial lockdown sa Kuala Lumpur, Putrajaya at Selangor.

Kasunod ito ng patuloy na paglobo ng kaso ng coronavirus sa nabanggit na mga lugar.

Sinabi ni Malaysian Defense Minister Ismail Sabri Yaacob, sinunod lamang nila ang naging payo ng kanilang health minister para magkaroon ng “conditional movement control order” sa loob ng dalawang linggo.

Dahil dito ay maaapektuhan ang nasa 7 milyon katao kung saan papayagan lamang makalabas ay yung mga papasok sa kanilang mga trabaho.

Mula pa kasi noong Hunyo ay nananatiling sarado pa ang mga border kaya walang mga nakakapasok na mga turista.

Sa kasalukuyan kasi ay nakakaranas ang nasabing bansa ng third wave mula sa nasabing bansa.