-- Advertisements --

Nakatakdang makaranas ng ilang power interruption ang ilang lugar sa Manila ngayong darating na Linggo February 4, 2024

Kinumpirma mismo ito lokal na pamahalaan ng Maynila

Batay sa inilabas na advisory ng Manila Electric Company (Meralco) , magsasagawa sila ng maintenance works o pagpapalit ng mga poste sa mga lugar na maaapektuhan.

Bukod dito ay maglalagay rin sila ng dagdag na lightning protection devices sa kahabaan ng M. Adriatico at Leveriza Street sa Malate sa nasabing lungsod .

Tatamaan rin ng pagkawala ng supply ng kuryente ang bahagi ng M. H. Del Pilar Street, mula Windy Ridge Hotel Manila hanggang Quirino Avenue.

Magsisimula ito pagsapit ng alas 8:30am at inaasahang matatapos pagsapit ng 2:30pm

Maaapektuhan rin ang bahagi ng Quirino Ave., mula M. H. Del Pilar hanggang M. Adriatico St.

Kabilang rin sa makakaranas ng power interruption ang bahagi ng Madre Ignacia St mula Quirino Avenue ,bahagi ng M. Adriatico St. mula Quirino Ave at bahagi ng M. Adriatico Street mula Quirino Avenue 

Apektado rin ang De La Salle University (DLSU) Manila at isang fast food chain sa kahabaan ng Taft Avenue