-- Advertisements --
Ilang parte ng Metro Manila ang nakaranas ng pagbaha matapos ang ilang minuto lamang na buhos ng ulan.
Ayon sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), may nai-record silang bahagyang pagtaas ng tubig sa Mandaluyong at Manila.
Partikular na nagkaroon ng gutter deep na baha sa EDSA Shaw tunnel north bound, ngunit ito ay passable naman sa lahat ng sasakyan.
Habang 12-15 inches naman ang lalim ng tubig sa Espana, Manila kaya may ilang sasakyan na hindi muna dumaan doon.
Maging sa Pasay, Quezon City at iba pang lugar ay may mga ulat din ng bahagyang pagbaha.
Pero matapos ang ilang oras, humupa na rin ito at bumalik na sa normal ang daloy ng mga sasakyan.