Makakaranas ng water service interruptions ang ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal ngayong linggo batay sa naging abiso ng Maynilad at Manila Water ngayong araw.
Sa magkahiwalay na pahayag, nag-abiso ang naturang mga water concessionaires na kapwa magsasagawa sila ng regular maintenance activities tuwing off-peak hours.
Layunin nito na tiyaking nananatiling nasa magandang kondisyon ang kanilang mga distribution system.
Kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ng maintenance schedule ng Maynilad at Manila Water ay ang ilang bahagi ng Navotas City, Caloocan City, Quezon City, Valenzuela City, Makati City, Marikina City, Taguig, at ilang bahagi ng lalawigan ng Rizal.
Dahil dito ay inabisuhan naman ng mga water concessionaires ang mga apektadong customers na matipid at mag-imbak ng sapat na tubig para sa kanilang mga pangangailangan.
Habang nagpaalala naman ang mga ito na sa kanilang mga customer na sa oras na muling magbalik ang water service ay hayaan muna itong tumaas sa loob ng ilang minuto hanggang sa muli na itong maging malinaw.