-- Advertisements --

Niyanig ng 5.0 magnitude na lindol ang hilagang bahagi ng Luzon.

Naitala ito kaninang alas-7:56 ng umaga.

May lalim itong 10 km at tectonic ang pinagmulan.

Natukoy ang epicenter sa layong 27 km sa hilagang kanluran ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan.

Kaugnay nito, nairehistro ng Phivolcs ang intesity I sa Laoag City at Pasuquin, Ilocos Norte.