-- Advertisements --
Hinigpitan ng North Ossetia republic sa Russia ang mga dumarating na mga sasakyan mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Kasunod ito ng patuloy na pagdami ng mga lumilikas na mga kalalakihan sa Russia mula ng ianunsiyo ni President Vladimir Putin ang partial mobilization.
Sinabi ni North Ossetia Governor Sergei Menyailo na mula ng ipatupad ang ban ay halos 20,000 katao na ang tumawid sa kanilang border sa loob lamang ng dalawang araw.
Paglilinaw nito na ang nasabing ban ay hindi sakop ang mga residente o turista maging ang mga sasakyan na pumapasok mula Georgia o sa breakaway na South Ossetia region.