Tanging mga bahagi na lamang ng imahe ng Sto Niño de Pandacan ang natagpuan sa lungsod mg Maynila matapos masunog noong nakaraang linggo.
Ayon sa kura paroko ng Sto Niño de Pandacan Parish sa Maynila na si Fr. Sanny de Claro, kabilang sa mga bahagi ng pinaniniwalaang 400 taong Sto Nino de Pandacan na natagpuan ang isa sa tatlong tres potencias o sinag ng patron.
Pero ang kalahati nito ay tunaw na.
Natagpuan din sa paghuhukay ang globo at krus na hawak ng imahen maging ang andador o ang suporta sa katawan ng imahen maging ang bahagi ng sunog na damit ng Sto Niño.
Labis na ikinalungkot ng parish priest dahil hindi na nakita ang mismong katawan ng imahen na gawa sa kahoy na mayroong ivory na ulo.
Noong Biyernes nang nasunog ang simbahan at kumbento ng Sto Niño de Pandacan Parish na umabot sa ikatlong alarma.
Nadamay din sa sunog ang kumbento ng simbahan at halos lahat ng gamit sa loob ng simbahan ay naabo.