-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Isasagawa sa lungsod ng Heneral Santos ang training ni Sen. Manny Pacquiao.

Ayon kay Dominador Lagare III, chief political affairs ni Sen. Pacquiao na dalawang bagay sa ngayon ang kanilang tinututukan ang trabaho sa senador sa Senado at ang training bilang preparasyon sa natakdang laban kay Errol Spence sa buwan ng Agosto 2021 sa Amerika.

Dahil sa kanilang pagbalik sa GenSan inaasahan na isasagawa ang light training ng Pinoy ring icon sa kanyang bahay sa lungsod kung saan may malaking area at basketball court.

Inaasahan na hindi magtagal sa lungsod ang Team Pacquiao dahil tutulak sila papuntang Amerika para sa dibdibang training kasama si coach Freddie Roach.