-- Advertisements --
Nagpasya ang University of the Philippines na kanilang isasara ang Academic Oval at ilang mga pampublikong lugar sa kanilang Diliman campus simula ngayong araw.
Sa Facebook post ng UP ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy na paglobo ng COVID-19 sa bansa.
May mga ibang skeletal forces sila na siyang magtatao sa iba’t-ibang opisina.
Pinayuhan din nila ang ibang mga empleyado ng work from home set-up.
Magsasagawa rin aniya sila ng dissenfection habang sarado ang ilang mga opisina.