Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa Eastern Samar, Dinagat Islands at insular municipalities ng Surigao del Norte na kinabibilangan ng Burgos, Sta. Monica, San Isidro, San Benito, Del Carmen, Pilar, Dapa, Gen. Luna at Socorro.
Kasunod ito ng pagpasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ng tropical storm Ursula.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 900 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ang bagyong Ursula nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Kung hindi magbabago ang bilis at direksyon nito, maaaring manalasa ang sama ng panahon sa Eastern Visayas sa Disyembre 24 at 25, 2019.