KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection matapos ang nangyaring sunog sa bahagi ng Caños Subd., Prk. 11, Brgy Poblacion, lungsod ng Tacurong.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Rodrigo “Bogs” Jamorabon, ang city disaster risk reduction management officer ng siyudad, na nagsimula umano ang sunog bandang ala-1:30 kahapon kung saan nilamon ng apoy ang mga bahay nina Vergie Evangelista, Roden Jundoc at Lucia Jundoc.
Mabilis umanong nilamon ng apoy ang apat na kabahayan lalo na’t gawa ito sa light materials.
Dagdag ni Jamorabon na kaagad kumilos ang mga residente at nagbayanihan upang apulahin ang sunog bagyo dumating ang BFP at kaagad nakontrol ang apoy.
Kaagad namang nagpaabot ng tulong ang Tacurong LGU sa mga nasunugan ng bahay.
Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang dahilan ng naturang sunog at ang halaga ng pinsalang idinulot nito.