-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nanatili parin ang libo-libong mga bakwit sa mga evacuation centers sa Maguindanao.

Unang lumikas ang maraming pamilya sa Barangay Dungguan Datu Montawal Maguindanao dahil sa bakbakan ng dalawang Field Commanders ng Moro Islamic Liberation Front.

Nagpapatuloy ang manaka-nakang putukan sa pagitan nina Kumander Butoh Mantol at Kumander Paglas Balaumol.

Umaabot na umano sa apat ang nasawi at labing isa ang nasugatan dahil sa personal na away ng dalawang grupo sa agawan sa lupa ng kanilang pamilya,

Tadtad ng bala ang isang pick-up nang tambangan ang grupo ni Balaumol ng kanyang mga kalaban.

Samantala sa Brgy Kuya South Upi Maguindanao umiinit din ang sitwasyon sa pagitan ng dalawang armadong grupo na mga myembro ng kilalang Moro Fronts at maraming mga sibilyan ang lumikas.

Nagkakasakit na ang ilang bakwit dahil sa init ng panahon at biglang pag-ulan kaya may mga nilagnat at sinipon.

Tuloy-tuloy naman ang pamimigay ng tulong ng Provincial Government at LGU-Datu Montawal sa mga sibilyang lumikas sa bakbakan ng 2 MILF Commanders.