-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Sa lalawigan ng Apayao, sinabi sa Bombo Radyo ni Apayao provincial election officer Atty. Julia Elenita Tabangin-Capuyan na paper jam sa pagpasok ng balota sa vote counting machine ang karaniwang naging problema ng mga botante doon.

Aniya, dahil hindi pwedeng pumasok sa makina ang mga balota ay ginupit nila ng isa hanggang dalawang sentimetro ang gilid ng mga papel bago ipinasok sa makina.

Nawalan din umano ng kuryente ang dalawang barangay sa bayan ng Santa Marcela ngunit agad ding naibalik.