-- Advertisements --

Naglabas na ng tugon ang anim na bangko ng sertipikasyon para pabulaanan ang bank accounts na iniuugnay kay Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Ito ay matapos ang kanyang isinumiteng request letter sa limang kilalang bangko sa bansa.

Ayon kay Garcia, nais niyang pasinungalingan mga documents na isinumite nito sa Comelec ni dating Caloocan Representative Edgar Erice.

Batay sa ipinadalang sulat ng isang kilalang bangko, sinabi nito na hindi totoo bank information na iniuugnay kay Garcia.

Kung maaalala, na inakusahan si Garcia na tumanggap ng malalaking halaga para aprubahan ang kontrata sa Miru System na siyang service provider sa halalan sa susunod na taon.