-- Advertisements --

Nagpatupad ng ilang paghihigpit ang mga bansa sa Europa matapos ang pananalasa ng second wave ng COVID-19.

Sa Italy, kung saan isa sa matinding tinamaan ng virus sa first wave noong pandemic ay pinag-aaralan ang ilang paghihigpit gaya ng pagbabawal sa pag-inoom sa mga bars, pagbawal sa mga parties , paglimita sa mga attendees ganoon dina ng pagbawal sa mga manonood sa mga sporting events at dapat nakasuot ng mga face masks ang mga taong nag-eensayo sa sa mga outdoor sports.

Ang sinumang mahuhuling lalabag ay pagmumultahan ng nasa $470 hanggang $1,000.

May mga tier na rin ang England sa bawat lugar kung saan nakalagay ang “medium”, “high” o “very high” alert levels.

Sa isang araw kasi naitala ng United Kingdom ang 12,872 na kaso ng COVID-19 kung saan 65 ang bagong kaso.

Tumulong na rin ang mga sundalo sa Germany para maging contact tracers.

Nagtala kasi ng pagtaas ng kaso ng coronavirus sa mga lugar gaya ng Cologne, Dusseldorf, Essen at Stuttgart.

Habang sa “maximum alert” ang Toulouse at Montpelier ganun din sa Paris, Marseille, Lille, Lyon, Grenoble, Saint-Etienne na nagpatupad ng mas striktong hakbang.