Aminado si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Guillermo Eleazar na may mga Bar pa rin sa kalakhang Maynila ang nagsisilbing source ng mga iligal ba droga.
Ito ay napatunayan sa ginawang daid sa Time in Manila Bar sa Makati City kung saan nasabat ang nasa P1.7 million halaga ng mga iligal na droga.
Naging kontrobersiyal din ang nasabing operasyon ng Makati Police dahil sa pag aresto sa tatlong abugado na ayon sa PNP ay nakialam sa trabaho ng mga pulis na nuon ay nagsilbi ng search warrant.
Dahil dito, sinabi ni Eleazar na nakatakda nilang pupulungin ang mga may ari ng mga kilalang Bars sa Makati, BGC, QC at iba pang lugar sa Metro Manila upang muling hilingin ang suporta ng lahat sa kampanya laban sa Illegal drugs.
Ang insidente sa Time in Manila Bar ay magsisilbing babala na rin ito sa mga may ari na sa oras na may ilegal na droga sa kanilang mga Bar gaya sa Time in Manika Bar sa Makati ay ipasasara din agad ang mga ito.