-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Bumalik umano ang problema ng ilegal na droga sa ilang barangay sa lungsod ng Heneral Santos.

Ito ay ayon kay Police Major Robert Fores, hepe ng Mabuhay Police Station kasunod ng serye ng drug operation na isinagawa ng otoridad sa dalawang barangay kung saan malaking halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska.

Kahapon, nahuli ang suspek na si Roden Dalesan, 36 anyos, residente ng Glan, Sarangani Province sa buy bust operation ng otoridad sa Barangay Mabuhay at nakumpiska ang 70 grams na hinihinalang shabu na may halaga na P476,000.00.

Namonitor ng intelligence operatives na sa lugar ang standby area ng suspek ngunit ang distribution nito ng ilegal na droga ay sa Digos City, Davao, Sarangani Province at iba pang lugar sa Mindanao.

Una rito, nahuli ang mag-live in partner na sina Rocky ClemeƱia Frondoza at Erica Bernasol Ompad sa buy bust operation ng otoridad sa Barangay West, Gensan kung saan aabot ng 175 grams ng suspected shabu na may halaga na halos P1. 2 Million ang nakumpiska.

Mas pinaigting ng General Santos City Police Office ang intelligence monitoring para malaman ang source ng ilegal na druga ng nabanggit na nahuling mga suspect.