Inanunsyo ng Maynilad Water Services, Inc. na magsasagawa sila ng maintenance activities sa ilang barangay sa lungsod ng QC.
Kaugnay nito ay asahan na ang water interruptions sa ilang customer ng Maynilad sa lungsod mamayang gabi.
Ayon sa Maynila, ito ay bahagi ng regular na maintenance activities na pangunahing layunin na mapanatili ang maayos na kalagayan ng kabuuang distribution system sa West Zone.
Ang mga barangay na maapektuhan ng naturang aktibidad ay ang Barangay ng Bagbag, Gulod, Greater Fairview, Sauyo, San Bartolome, Sta. Lucia, Doña Aurora Quezon, Doña Imelda Marcos, Don Manuel Quezon,San Isidro Galas, Santo Niño, Santol, at Tatalon.
Ang naturang water interruption ay mararanasan simula mamayang alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw ng March 5.
Pinayuhan naman ng Maynilad ang kanilang mga maapektuhang customer na ngayon pa lang ay mag-ipon na ng tubig bago ang scheduled interruption.
Sinabi rin nito na sa oras na bumalik na ang ang supply ng tubig ay hayanaa muna itong dumaloy ng panandalian hanggang sa ito ay tuluyan nang luminaw bago gamitin.