-- Advertisements --
apayao floods 3
Apayao floods (photo courtesy Rufino “Pinoy” Gonzales)

CAUAYAN CITY – Nananatili sa mga evacuation center ang mahigit 400 pamilya dahil sa pagbaha sa ilang bayan sa lalawigan ng Apayao.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Enrique Gascon Jr., assistant regional director ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) sa Cordillera Administrative Region (CAR), sinabi niya na 441 na pamilya o 1,617 indibidwal ang kasalukuyang nasa evacuation centers.

Ang kabuuang bilang ng mga apektadong pamilya sa 64 na barangays sa pitong bayan ng Apayao na nakaranas ng pagbaha ay 2,402 o katumabas ng 9,337 na indibidwal.

Ayon pa kay Gascon, sa bayan ng Kabugao ay may naitala silang 19 na bahay na totally damaged habang 23 ang partially damaged.

Sinabi rin niya na umabot na sa P1.2 million ang halaga ng mga naibigay nilang tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Sa ngayon ay sapat naman aniya ang mga tulong na ibinibigay nila sa mga evacuees.

Sinabi pa ni Gascon, nagsasagawa na rin sila ng psycho-social intervention sa mga mamamayan na nasa evacuation areas.