-- Advertisements --

COTABATO CITY – Lubog sa tubig baha ang ilang Baranggay sa Cotabato Province, lalo na sa Barangay Inug-ug Pikit, North Cotabato dahil sa sunod sunod na malakas na pagbuhos ng ulan.

Nasira narin ang kanilang mga pananim matapos malubog sa baha.

Pahirapan rin ang pagdaan ng mga motorista sa naturang lugar.

Nananawagan naman ang mga residente sa Camp Rajamuda sa barangay Inug-ug Pikit, North Cotabato sa Opisina ng Cheif Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM upang mabigyan sila ng tulong.

Ilang Brgy. sa Cotabato Province lubog na sa baha; Mga residente nanawagan na ng tulong matapos mapinsala ang kanilang mga pananim dahil sa baha.

“Nananawagan po kami sa office ng Chief Minister, nananawagan po kami sampo ng aking mga kababayan dito sa Pikit, particular sa Barangay Inug-ug, pati narin sa kalapit na Baranggay dito na tulungan ninyo po kami sa aming mga pangangailangan dahil walang-wala po kaming hanap-buhay sa ngayon dahil nasira po ng baha na ito”. Ani Zandra Alonto, Residente ng Lugar.

Ayon sa PAG-ASA, ang sunod sunod na malakas na buhos ng ulan sa lugar ay dahil sa low Pressure Area at Intertropical Convergence Zone, kung saan naapektohan nito ang buong SOCCSARGEN REGION.