LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) ang naitalang pagbaha sa ilang bayan sa ikatlong distrito dahil sa naranasang mga pag-ulan.
Naitala ang mga pagbaha sa mga bayan ng Libon at Jovellar.
Sinabi ni APSEMO chief Dr. Cedric Daep sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakasubaybay sa mga weather bulletin na inilalabas ng PAGASA weather bureau na nagsasabing katamtaman at occasionally heavy rains ang aasahan sa mga susunod na oras.
Nagpalipad naman ng drone kaya’t nakita ang kaulapan na dulot ng Bagyong Ineng at hindi Hanging Habagat ang direktang nakakaapekto sa lalawigan at ilan pang bahagi ng Bicol.
Nag-abiso naman si Daep sa mga local disaster management councils na paalalahanan ang mga lugar na nasa risk areas hindi lamang sa baha, kundi sa posibleng pagguho ng lupa.
Samantala, sinuspinde naman ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan.