-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Lubog sa baha ang ilang bayan sa probinsya ng Cotabato sa malakas ng buhos ng ulan.
Sinalanta ng baha ang mga bayan ng Makilala,M’lang,Tulunan,Matalam,Pikit at Kidapawan City.
Bumuhos ang malakas na ulan dulot ng sama ng panahon kaya binaha ang mga mababang lugar na nasa gilid ng ilog sa probinsya.
Malaki rin ang pinsala sa mga pananim,alagang hayop at mga ari-arian na sinalanta ng baha.
Agad naglibot si Cotabato Governor Emmylou”Lala”Mendoza sa mga binahang bayan.
Sa ngayon ay 24/7 na naka-monitor ang mga kawani ng Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa sitwasyon ng baha sa probinsya.