Aabot sa 122 na kaso ng African Swine Fever ang naitala ng Office of Agricultural Services ng Calanasan, Apayao mula September 1 hanggang October 8.
Batay sa datos , apektado ng ASF ang 15 farmers mula sa Poblacion, Sabangan at Eleazar sa naturang lalawigan.
Ipinag-utos na rin ni Calanasan Mayor Shamir M. Bulut sa pamamagitan ng Executive Order No. 10 ang pansamantalang pagbabawal sa pagpasok ng live swine at pork products sa kanilang bayan .
Layon ng hakbang na ito na mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever sa naturang lugar.
Aktibong namang sinusubaybayan at nagsasagawa ng surveillance ang LGU sa loob ng 500-meter radius ng mga apektadong farm.
Patuloy rin ang Calanasan LGU sa pagsasagawa ng information, education, at communication campaign para maiwasan ang naturang sakit sa mga hayop.