CENTRAL MINDANAO- Nakaranas ng matinding pagbaha ang ilang bayan sa lalawigan ng Maguindanao.
Sa ulat ng Provincial Desaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na sinalanta nang pagbaha ang mga bayan ng Mamasapano, Rajah Buayan, Datu Salibo, Sultan Sabarongis at Datu Piang Maguindanao.
Dulot ito ng malakas na buhos ng ulan kaya umapaw ang Allah River.
Lagpas baywang ang tubig baha na umapaw sa kalsada sa Brgy Tuka Mamasapano Maguindanao.
Maraming mga sasakyan ang naantala (stranded) at hindi nakadaan sa kalsada.
Inilikas rin ng mga tauhan ng MDRRMO na bawat bayan ang mga residente na naipit sa baha.
Matindi rin ang pinsala sa mga pananim at ari-arian na sinalanta ng baha.
Ang mga bakwit sa baha ay lumikas patungo sa mga ligtas na lugar habang nagpaabot naman ng inisyal na tulong ang Provincial Government ng Maguindanao sa mga bayan na apektado ng kalamidad.