CENTRAL MINDANAO – Tumanggap ng parangal ang ilang bayan sa Maguindanao sa ginanap na Salamat Excellence Award for Local Government Units, inilunsad ng MILG-BARMM sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City.
Isa sa mga tumanggap ng parangal ang bayan ng Datu Montawal, Maguindanao ng ADAC Special Awards for sustaining drug-free status of the unaffected barangays.
Nagbunga ng kabutihan ang pinaigting na kampanya ng LGU-Datu Montawal sa pangunguna ng mag-amang Mayor Datu Ohto Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal.
Matatandaan na una nang nagdeklara ng giyera laban sa pinagbabawal na droga ang mag-amang Montawal kung saan nagpalabas pa ito ng shoot to kill order sa mga manlaban sa raid ng mga otoridad at may gantimpala pa sa makakahuli patay man o buhay sa mga sangkot sa illegal drug trade.
Tumanggap din ng parangal ang Ampatuan Maguindanao na kinabibilangan ito ng Local Government Functionality Appraisal Awardee (LOGFA); Plaque of Recognition for Sustaining the Drug Free Status of its Unaffected Barangays from CY 2017-2019; Plaque of Recognition for Sustaining the Drug-Cleared Status of its Drug Affected Barangays from CY 2017-2019; at 2020 Lupong Tagapamayapa Incentives Award na nakuha ng Barangay Kauran kung saan ito ay nagkampeon para sa 4th – 6th Class Municipality Category.
Bukod dito, tinanggap din ng bayan ng Ampatuan ang ADAC SPECIAL AWARD mula sa DILG NATIONAL kung saan isinagawa ang parangal.
Ang pagkilala ay kasabay ng paglulunsad ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG-BARMM) Salamat Excellence Award for Local Government Units sa pangunguna ni Minister Naguib Sinarimbo.
Kung saan binigyan ng parangal ang mga lokal na pamahalaan sa mahusay na pagganap sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagpapanatiling ligtas mula sa iligal na droga ang kanilang nasasakupan.