-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Balik normal na ang klase sa lahat ng antas sa mga bayan sa probinsya ng Cotabato matapos ang 6.3 magnitude na lindol.

Maliban lamang sa Kidapawan City na inuga ng intensity 7 at nanatiling suspendido ang klase ngayong araw ng Biyernes sa mga bayan ng Makilala,Mlang at Tulunan Cotabato.

Dalawa ang naitala na nasawi at umakyat na sa 17 ang nasugatan sa lindol na sentrong tumama sa Tulunan North Cotabato.

Lomobo naman ang pinsala sa mga tahanang nagkabitak-bitak ,pagguho ng mga tanggapan ng gobyerno, ospital, paaralan, mga health centers at mga ari-arian.

Tuloy-tuloy parin ang mga aftershocks na nararanasan sa probinsya ng Cotabato lalo na sa bayan ng Tulunan at Kidapawan City.

Nagpaalala si Cotabato Governor Emmylou”Lala”Mendoza sa mamamayan na maging alerto, mag-ingat at wag magpanic tuwing may lindol