Tinawid ng Philippine Red Cross (PRC) team ang ilang isolated area sa Cagayan, matapos salantain ng bagyong Ofel.
Gumamit ang PRC ng kanilang mga pasilidad para marating ang mga nasa kabilang ibayo ng San Jose Bridge sa Gonzaga, Cagayan, na nawasak at nahati dahil sa rumaragasang tubig baha galing sa kabundukan.
Maliban dyan, nagsagawa na rin sila ng assessment upang malaman kung ano pang mga pangangailangan ng mga tao na kayang agad na maipagkaloob ng humanitarian group.
Nakahandang magbigay ng tulong ang PRC sa mga nasalanata habang inaalam din nila kung ano pa ang kakulangan ng inisyal na tulong na maaaring maihatid.
Mula sa first aid, may dala ding pagkain at iba pang kagamitan ang PRC para sa mga residenteng mahirap abutin ng regular na relief supplies dahil sa sirang mga daan, tulay at mga nagkalat na debris na iniwan ng bagyo.