LAOAG CITY – Inihayag ni Mr. Paul Versoza iti Bureau of Immigration (BI) dito sa Ilocos Norte na base sa kanilang rekord ay 2003 hanggang 2016 pa ang mga kaso ni Alexander Calapini-Solberg, 53-anyos na nahuli sa Brgy. 48-A Cabunggaan dito sa lungsod at notorious Norwegian pedophile na wanted sa Oslo dahil sa pangmololestiya nito sa mga menor de edad.
Ayon kay Versoza, nakarating dito sa Pilipinas si Solberg noong 2016 at nakapag-asawa ng Pilipina hanggang naging permanent resident, dalawang taon na a nakalipas.
Sinabi nito na bago pumunta sa Pilipinas, patung-patong na kasong sexual assault na ang kanyang kinakaharap sa Norway ngunit tinakbuhan niya ang mga ito ang namalagi sa iba’t-ibang bansa.
Nabatid na ilan sa mga biktima ni Solberg ay miembro ng kanyang pamilya.
Ipinaliwanag na ni Versoza na angi Pilipinas ay signatory sa International Police Organization kaya’t kung mayroong red notice ang interpol ay otomatiko na may alert sa kanila sa pamamagitan ng diplomatic channel kagaya ng kaso ni Solberg.
Aniya, katuwang ng Fugitive Search Unit at mga kasapi gi Intelligence Operative ng Camp Servillano sa Tarlac ay mayroon silang back-up army operatives noong hinuli si Solberg.
Pumalag umano si Solberg pero hindi naman aramado pero ang kanyang asawa ang sumugod sa mga agent na may baril ngunit wala namang masamang nangyari.
Dagdag nito na inihahanda na ng BI ang mga dokumento para sa pagpapa-deport kay Solberg pabalik sa kanyang bansa.
Sa ngayon ay nasa Jail Ward Facility ng BI-Bicutan si Solberg.